Marami tayong mga naririnig na mga kasabihan at saliwikain sa ating mga magulang, titser, ate, kuya, manong, lolo, lola, ingkong, etc. Sa paglipas ng panahon, dahil sa likas nating talino :-), nabibigyan natin ng iba pang kahulugan ang mga kasabihan. Tulad nalang nito:
Noon: Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo!
Ngayon: Aanhin mo pa ang damo kung hinithit na ng kutsero ito (naging adik na si manong. Wala na kasi syang pasahero.)
Noon: An apple a day keeps the doctor away!
Ngayon: An apple a day is expensive. (oo nga naman, di na kaya ni Juan dela cruz bumili ng mansanas dahil wala na siyang pambili!). Pwede ding An apple a day is not an apple at night (wag ka daw kakain ng apple sa gabi kc sabi di ka makakatulog.). An apple a day is 7 apples in a week (korek! pwdeng ituro yan sa math class!)
Noon: Kapag maiksi ang kumot, marunong mamaluktot.
Ngayon: Kumuha ng bago kapag maiksi ang kumot. (oo nga naman, kung yung kumot mo ngayon eh kumot mo pa nung bata ka, malamang di ka na kasya, masisira pa posture mo! Kaya mas advisable kung kuha ka ng panibago. It's more practical di bah?!)
Noon: If others can, why can't I?
Ngayon: If others can, do not help! (wag ka magpaka hero, baka barilin ka sa Luneta.) Or If others can, let them do it. Make life easy. hehehe!
Noon: Kung may isinuksok, may madudukot!
Ngayon: Kung may isinuksok, may mandurukot! (favorite ng mga snatcher!)
Noon: Kung may itinanim, may aanihin
Ngayon: Kung may itinanim, aanihin naman ng iba! (Kakainis nga naman, nagtanim kami tapos uunahan ka ng magnanakaw sa pag-aani. At makapal pa ang mukha, babalik pa talaga. Baka sakaling may maaani pa. Or applicable din sa mga "tulay" sa mga nanliligaw.)
Noon: Lokohin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising!
Ngayon: Lokohin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising na lasing! (Patay ka pag ginawa mo yan. Baka ikaw ang malasing sa suntok, hehehe!)
Noon: Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit
Ngayon: Ang taong nagigipit, sa kaban ng bayan kumakapit (Favorite ni GMA at FG)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment