Alam nating lahat na masama ang drugs sa ating katawan lalo na at unti-unti nitong sinisira ang ating mga utak. Marami tayong mga nababalitaan na nakakagawa ng krime dahil sa implwensya ng pinagbabawal na gamot. Maraming mga paraan para malaman mo kung ang isang tao ay lulong sa ipangbabawal na gamot. Ngunit alam nyo ba may mga taong nagpapakita ng simtomas ng pagiging adik pero di naman gumagamit ng pinagbabawal na gamot?!
1) Nagsasalita mag-isa! Naku, marami sa opisina ko yan (malamang sa inyo din). Yung tipong bigla nalang magsasalita na akala mo ay ikaw ang kausap yun pala, sarili lang nya kausap nya. O kaya kausap nya computer nya... baka sakaling sumagot.
2) Sinasagot nya ang tanong nya sa sarili nya. Mas matindi ito sa #1 kasi dalawa na silang nagsasalita (eto yata yung tinatawag nilang split personality)
3) Bigla nalang sisigaw o hihiyaw. Eto yung nakakatakot, malamang mananakit ito. Medyo tumabi-tabi ka at baka mahampas o masuntok ka nya sa sobrang tuwa o galit.
4) Tumatawang mag-isa. Ito na siguro ang pinakamatidi sa lahat. Yung tipong bigla nalang mag-isang tatawa. O di naman kayo, lumipas na ang ilang minuto ng magtawanan kayo at siya ay tatawa palang.
Marami pang mga sinyales sa mga taong adik na di naman gumagamit ng bawal na gamot. Eto yung mga taong kung tawagin natin ay may sariling mundo. Aminin nyo, minsan ay ganito rin kayo. hehehe!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment